2 nawawalang mangingisda sa Camiguin hinahanap

PINAGHAHANAP ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) at pulisya ang dalawang mangingisda na iniulat na nawawala pa simula noong Hunyo 12 sa karagatan ng Camiguin province.

Sa nakarating na ulat sa PCG, nakilala ang mga biktima na sina Demetrio Naluan at Roque Cabactulan, kapwa nakatira sa Yumbing, Mambajao, Camuigin province.

Ang dalawa ay sakay ng pumpboat at naglayag umano sa karagatang sakop Mambajao noon pang Hunyo 12 ngunit hindi na sila nakauwi hanggang ngayon.

Dahil dito, agad na humingi ng tulong ang isa sa anak ng biktima na si Naluan Jr., sa awtoridad upang mahanap ang kanilang mahal sa buhay.

Umaasa rin ang pamilya ng mga biktima na buhay pa ang dalawa at walang masamang nangyari sa mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply