2 nominado sa pagka-CJ disqualified

DINISKUWALIPIKA ng Judicial and Bar Council (JBC) ang dalawang nominado sa pagka-Chief Justice ng Korte Suprema.

Hindi tinanggap ng JBC ang nominasyon ng nurse na si Jocelyn Esquivel. Ito ay sa kadalihalanang dapat dalubhasa o nag-aral ng batas ang susunod na punong mahistrado batay sa pamantayan ng Korte Suprema.

Laglag din sa listahan si dating Court of Appeals (CA) Associate Justice Hilarion Aquino, 80-anyos, dahil sa kanyang edad.

Nabatid na 70 taon gulang ang retirement age ng punong mahistrado.

Sa ngayon 27 na lang ang nominado mula sa 29 na aplikante.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply