2 parak sugatan sa lalaking may topak

DALAWANG kagawad ng Philippine National Police ang malubhang nasugatan matapos na pagsasaksakin ng isang hinihinalang may topak na nagwala at nang hostage sa kanyang sarili sa bayan ng Kiamba, lalawigan ng Saranggani, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Base sa report na ipinarating sa Camp crame, nag-simula ang karahasan bandang alas 6:30 kamakalawa ng gabi ng magkulong sa kanyang kuwarto ang kinilalang suspek na si George Cornel, 50 anyos, ng Barangay
Malalag, bayan ng Maitum ng nasabing lalawigan.

Nabatid na humingi ng tulong ang isang Jimmy Cornel, isang negosyante at residente ng nasabing barangay dahil sa umanoy pagwawala ng kanyang kapatid na si George, isang magsasaka  at may dalang kutsilyo.

Tumagal ng mahigit tatlong oras ang ginawang pakikipagnegosasyon ng mga awtoridad sa suspek subalit hindi umano nakumbinsi ang lalaki kaya napilitan sina Police Senior Inspector Arnold Montesa at Police Senior Inspector Jeoffrey Sanchez na pasukin na ito upang makuha ang hawak nitong kutsilyo subalit dito nagawa ng suspek na pagsasaksakin ang dalawang opisyal.

Agad namang nahuli si George at sinampahan na ng kasong alarm scandal at domestic violence ng PNP habang patuloy namang ang ginagawang beripikasyon kung may sayad ang nasabing suspek at ano ang
nagtulak upang magwala ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply