2 paslit tinangay ng agos sa pananalasa ni Ambo

NAKAPAGTALA na ngayon ng kumpirmadong casualties ang bagyong Ambo ng tangayin ng malakas na agos ang dalawang musmos na magkapatid kahapon ng umaga s aulat ng Office of Civil Defense.

Sa reprt na isinumite ni Civil Defense Director Eugene Cabrera ng Region 4-B o Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon and Palawan (MIMAROPA), sa punong tangapan ng Office of Civil Defense
sa Camp Aguinaldo  nalunod ang magkapatid na bata sa Barangay Sagrada sa Busuanga, Palawan, nitong Linggo ng umaga.

Narekober na ng Philippine Coast Guard (PCG), lokal na pulisya at mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang bangkay ni Princess Beyonce Abrera, 2-taong gulang at Shaoun Morie, 4 na taong gulang ilang metro ang layo sa kanilang bahay.

Huling nakitang naglalaro ang magkapatid bandang alas-8:00 Linggo ng umaga sa likod-bahay malapit sa ilog sa Sitio Giwid, pero nang hanapin na ng kanilang ina ay hindi na natagpuan ang dalawa.

Hinihinalang tinangay ng malakas na agos ng tubig ang magkapatid nang biglang tumaas ang tubig-baha.

Ayon pa kay Cabrera na nakakaranas ng malakas na pag-ulan ang Palawan dahil sa habagat na pinag-tindi pa ng paghagupit ng Bagyong Ambo.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply