2 patay, 2 sugatan sa riding in tandem sa Pasay

PATAY ang dalawang lalaki habang sugatan ang dalawa pa na tinamaan ng ligaw na bala nang pagbabarilin ng armadong riding in tandem ang nauna habang nakaupo sa loob ng pampasaherong jeep kahapon ng hatinggabi sa Pasay City.

Dead on arrival sina Alfredo Lancero, 31 ng 1180 Batangas St., Pasay at Reynaldo Alagao, Jr. 18 ng 2142 Alvarez St., Tramo sa Pasay City General Hospital sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan  habang sugatan naman sina Johnny Bunan, 44, taxi driver na nahagip ng bala sa kanang braso at Larry Cabiles, 39 ng Laur, Nueva Ecija na tinamaan sa kanang pigi.

Sa imbestigasyon ni SPO3Ronaldo Frades ng Investigation Division ng Pasay police, nakaupo lamang sa loob ng nakaparadang pampasaherong jeep sa kanto ng Arnaiz Avenue at M. Dela Cruz St sina Lancero at Alagao nang lapitan ng dalawang armadong lalaki na sakay ng isang motorsiklo at kaagad pinaulanan ng bala dakong alas-12 ng hatinggabi.

Batay sa pahayag ni Bunan sa pulisya, ipinarada niya ang minamanehong taxi sa tabi ng kinauupuang jeepney ng mga biktima nang huminto sa likurang bahagi ng kanyang sasakyan ang isang motorsiklo na sinasakyan ng mga suspect.

Narinig niya umano ang isa na nagsabi sa kasamahan ng katagang “biyahe na to” bago magkasabay nilang pinaulanan ng bala ang dalawang lalaking nakaupo sa loob ng nakaparadang jeepney.

Sinabi ni Bunan na dumapa siya sa takot na tamaan ng bala hanggang maramdaman na lamang niya ang pamamanhid at pananakit ng kanang braso.

Nakuha naman ng pulisya sa pinangyarihan ng pamamaril ang ilang basyo ng kalibre .40 at 9mm na posibleng ginamit ng mga salarin sa pamamaslang habang inaalam pa ang motibo sa nangyaring krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply