2 sakay ng bangka todas sa kidlat

RIZAL – Patay ang dalawa habang apat ang sugatan kabilang ang dalawang paslit nang tamaan ng kidlat ang sinasakyan nilang bangka habang patawid sa ilog kahapon ng tanghali sa bayan ng San Mateo.

Kinilala ni Supt. Ruben Piquero, hepe ng San Mateo PNP ang dalawang nasawi na sina Jeffrey Carriaga, 18-anyos at Jayson Cristobal, 15-anyos, kapwa nakatira sa Bagong Silang, Quezon City.

Nagpapagaling naman sa tinamong sugat ang may-ari ng bangka na si Alfredo Cristobal, 43-anyos at ang mag-aamang Manolo, 10, Mark Vincent at Ulysses Morales, 38-anyos, pawang mga nakatira sa Zuniga Barandal St., Brgy. Sta. Ana, San Mateo.

Sa imbestigasyon ni P01 Johnee Pomeda, dakong alas-12:30 ng hapon habang kasagsagan ang buhos ng ulan ay sakay ng bangka ang mga biktima at papatawid ng ilog nang gumuhit ang kidlat at tamaan sila.

Unang namatay sa kubo si Carriaga habang si Cristobal ay sinubukan pang isalba ng mga manggagamot sa Amang Rodriguez Medical Center subalit binawian din ito buhay.

Tiniyak nang ligtas ang kalagayan ng apat pang biktima ngunit malaking problema ngayon ng kanilang pamilya kung paano silang makalalabas ng ospital dahil sa kawalan ng pambayad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply