2 patay sa kinaing butterfly fish sa Cagayan

PATAY ang dalawa katao makaraang malason sa kinaing isdang parparia o butterfly fish sa Claveria, Cagayan.

Nakilala ang mga biktima na sina Samuel Balatico, 26, at Crispina Balaan, 88.

Ayon sa Department of Health (DOH) Region 2, nakakain si Balatico ng Butterfly fish at pagkatapos ng 30 minuto ay bigla itong nagsuka at nagtae.

Naisugod pa ang biktima sa ospital pero idineklarang patay bandang alas-10:00 ng gabi.

Samantala, noong Hunyo 9 naman, kumai din ng parparia si Balaan na naging dahilan din nang agaran nitong pagkamatay.

Bukod sa dalawang biktima, dalawa pa nilang kabarangay ang nakaranas ng pananakit ng tiyan at pagsusuka matapos kumain ng parparia.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply