2 patay sa lone gunman

DALAWA katao ang iniulat na napatay makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin sa tapat ng isang barbershop sa Quezon City kamakalawa ng hapon.

Namatay noon din sa lugar ng insidente ang biktimang si Ramon Caringal, 53 tricycle driver ng # 32 Kasunduan St.,Brgy. Commonwealth,QC at isang hindi pa nakikilalang biktima na tinamaan ng ligaw na bala  na  tinatayang nasa 25 hanggang 30 anyos, 5’0 ang taas at nakasuot ng kulay blue at yellow short pants.

Ayon kay SPO1 Elden Lasam ng Quezon City Police District Station 6 Batasan, naganap ang insidente pasado alas-3:30 ng hapon kamakalawa sa barber shop sa kahabaan ng Kasunduan St., Commonwealth, QC.

Sinabi sa ulat na nakaupo noon sa tapat ng naturang barbershop ang biktimang si Caringal nang biglang dumating ang hindi nakikilalang suspek na armado ng baril at agad na pinagbabaril ang biktima.

Bagamat may tama ng bala, nagawa pang makatakbo ng biktima pero hinabol pa rin siya ng suspek bago muling pinagbabaril habang tinamaan naman ng ligaw na bala ang isa pang hindi nakikilalang biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply