2 patay sa nilantakang isdang butete sa Bohol

DALAWA ang patay habang dalawa pa ang nasa kritikal na kondisyon makaraang malason sa kinaing isdang butete o “puffer fish” sa Mabini, Bohol.

Kinilala ang mga namatay na sina Helen Hamin 40, residente ng Barangay Marcelo at Marvin Isarsa, taga-Brgy. San Roque, kaibigan ng pamilyang Hamin, pawang ng nasabing bayan.

Ayon sa report, iniuwi ng mangingsidang si Gomer Hamin, asawa ni Helen ang nasabing isda na kanilang niluto at kinain kasama si Raul Hamin at kapitbahay.

Bago ito ay nagpaalala pa si Gomer na huwag lutuin at kainin ang isda dahil sa taglay nitong lason ngunit hindi nagpapigil ang mga biktima.

Makaraang makaranas ng paninigas at pagkahilo kahapon ng hapon ay isinugod na ang mga biktima sa ospital ngunit hindi na umabot ng buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply