2 Pinay na namatay sa sunog sa Qatar nasa Pinas na

NASA Pilipinas na ang labi ng dalawang Pinay na namatay sa sunog sa isang mall sa Doha, Qatar kamakailan, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Dumating kagabi ang bangkay nina Margie Yecyec at Julie Ann Soco sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sakay ng Qatar Airways flight.

Una nang naiuwi sa bansa ang isa pang Pinay na biktima na si Maribel Orosco.

Magugunitang nitong Mayo 8, 2012, nasunog ang Villagio Mall, isang sikat na shopping center sa Doha kung saan namatay ang 19 katao kabilang ang tatlong Pinay na nagtuturo sa Gympanzee Nursery School na nasa loob ng mall.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply