2 Pinoy sugatan sa sumabog na gas tanker sa UAE

NASUGATAN ang dalawang Filipino seafarer makaraang masabugan ng gas tanker sa sinasakyan nilang barko sa United Arab Emirates (UAE).

Kinilala ng Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) ang dalawang overseas Filipino workers (OFW) na sina Marianito Aguilon, 41, residente ng Pallocan, Batangas na nagkaroong ng 44% burn habang ang kasamahan nitong si Guillermo Enriquez, Jr., 29-anyos, mula sa Mabini, Batangas ay nagkaroon naman ng 38% burn.

Ang dalawang Pinoy ay agad na dinala sa Fujairah Hospital at nilalapatan ng lunas dahil sa tinamong sunog sa katawan.

Naabisuhan na rin ng OWWA ang kanilang mga kamag-anak sa Pilipinas kaugnay sa sinapit nilang aksidente at  isasailalim ang mga ito sa psychological counselling ng OWWA.

Patuloy naman na binabantayan ng OWWA officers sa UAE ang kalagayan ng mga Pinoy seamen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply