2 police rookie tinambangan, 1 sugatan

DALAWANG bagong recruit na police ang muntik ng hindi makagraduate ngayong araw nang tambangan ng riding in tandem suspect, kamakalawa ng gabi sa lalawigan ng Albay, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Blanko ngayon ang mga otoridad sa isinagawang pananambang sa dalawang police trainee na nakilalang sina Domino Oliver, 29 anyos ng San Lorenzo at Jomar Bornilla ng San Isidro Iraya, Malilipot, Albay.

Nabatid sa inisyal na pagsisiyasat na binabaybay ng mga biktima ang kahabaan ng national road sakop ng Barangay Sta. Missericordia, Sto. Domingo, Albay bandang alas 6:45 ng hapon.

Sinasabing pauwi sakay ng motorsiklo ang dalawang rookie cop nang bigla silang sabayan ng hindi nakikilalang mga suspek at pinaputukan ng sunud-sunod.

Inihayag ni P/Sr Insp  Edgar Azutea, Chief of Police ng Sto. Domingo PNP,  na nagtamo si Domino ng tama sa gilid na parte ng tenga habang himala namang nakaligtas si Bornilla.

Napag-alaman na nakauniporme pa ang dalawa mula sa pag-practice sa Regional Training School at nakatakda sanang grumaduate ngayong araw.

Sa ngayon, patuloy na ino-obserbahan sa pagamutan si Domino habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply