2 pulis, biktima ng carjackers

NAGING isang malaking hamon para sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nangyayaring nakawan ng mga mamahaling motorsiklo sa lungsod matapos maging biktima ng mga kawatan ang dalawang pulis sa magkahiwalay na insidente kahapon, Lunes sa Taguig City.

Ayon sa ulat ng Police Community Precinct 3 sa Barangay Tanyag ng nasabing lungsod, ang mga nabiktima ay kinilalang sina PO1 El John P. Pacete at SPO1 Eustacio Andaling Jr.

Si Pacete na residente ng Mauling Creek, Brgy. Lower Bicutan ay natangayan ng isang black/yellow Honda Wave-A 100 na may plakang WR 1003, samantalang si Andaling na nakatira sa G60 Building A Pulis Kalinga Quartering Complex, Camp Bagong-Diwa ay natangayan ng isang pulang Honda XRM 110 na may plakang DQ 7223.

Dahil sa nangyaring krimen, agad na pinangunahan ni PCI Rey M. Villoria ang pagsuyod sa mga lugar na posibleng gawing exit door ng mga pinaghihinalaang syndicated organization na kawatan ng motorsiklo.

Pinayuhan naman ng awtoridad ang mga mamamayan na huwag ihihimpil sa lansangan at hindi ligtas na lugar ang kanilang mga sasakyan upang maiwasan ang ganitong mga pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply