2 pulis Maynila inireklamo ng extortion

NAHAHARAP sa kasong criminal at administratibo ang dalawang pulis Maynila matapos na ireklamo ng extortion matapos harangin ang ilang pasahero ng taxi.

Kinilala ang mga inireklamo na sina SPO2 Joseph Asukro at SPO3 Rio Reyes ng Manila Police District Mobile Patrol Unit (MPD-MPU).

Ayon sa isang Jerome Briana, sakay siya ng taxi kasama ang apat pang iba patungong Caloocan nang harangin ng dalawang pulis.

Paghinto umano ng sinasakyang taxi ay lumapit sa bintana ang naturang pulis at kinatok ang bintana sa pamamgitan ng kanilang baril saka hiningan sila ng identification (ID) card.

Dahil wala namang maipakitang ID ang mga biktima ay binantaan silang aarestuhin dahil sa bagansya at overloading.

Upang maayos ang kaso kakaharapin ng mga pasahero ay sinabihan sila ng mga pulis na maaari itong aregluhin sa pamamagitan ng pagbabayad nila ng halagang P1,000.

Sa takot ng mga biktima ay agad silang nagtungo sa MPD-Headquarters upang ireklamo ang mga abusadong pulis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply