2 pulis na arestado sa panloloob ng bahay, nakapagpiyansa

PANSAMANTALANG nakalaya ang dalawang pulis na suspek sa panloloob sa isang bahay sa Sta.Ana, Maynila matapos silang makapaglagak ng piyansa.

Sina PO3 Morris Malindog at PO1 Robert Cruz at dating barangay kagawad na si Reggie Osalia at naglagak ng  halagang P20,000 piyansa para sa kasong robbery na isinampa sa kanila ng pamilya ni Carlo Bagui.

Nilinaw naman ni Manila Police District (MPD). Supt. Alex Gutierrez  bagamat nakapaglagak ng kani-kanilang piyansa sina PO3 malindog at PO1 Cruz ay nanatili naman silang confined to quarters  dahil sa kasong administratibo na isinampa laban sa kanila.

Habang si Osalia naman ay nakalalaya na.

Ayon kay Gutierrez,posible  aniyang madismis sa serbisyo  ang dalawang pulis sa oras na matapos ang pagdinig  sa kanilang kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply