2 sasakyan ng abogada sinilaban

SUNOG na sunog ang dalawang sasakyan ng isang abogada sa Barangay Tanza Norte, Panay Capiz.

Nabatid na P100,000 ang halaga ng nasunog na pick-up at owner type jeep ng pamilya ni Atty. Rosalinda Cuevas Bernales.

Nakaparada ang mga sasakyan sa garahe ng pamilya Bernales na may layong 50 metro mula sa kanilang tahanan.

Naniniwala ang pamilya Bernales na sinadyang sinunog ang mga sasakyan dahil wala namang koneksyon ng koryente sa garahe.

Sa pahayag ng abogada, nakatanggap na siya ng pagbabanta kaugnay ng kanyang trabaho.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad kaugnay sa pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply