3 sugatan sa holdapan sa mall sa Pasig

(UPDATE) TINATAYANG P550,000 ang natangay habang dalawang security guard at isang bank teller ang nasugatan makaraang holdapin ng may limang hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan ang armor van sa Robinsons Metro East Mall sa Brgy. Dela Paz, Pasig City kaninang tanghali.

Ayon kay Eastern Police District Chief Miguel Laurel sa panayam sa radyo, kaagad na isinugod sa Salve Regina Hospital ang dalawang sugatan na sina Domingo Rodriguez at Edwin Lantila.

Base sa report, dalawa ang pumasok sa mismong establisimyento, isa ang nagsilbing lookout at dalawa ang nagpaputok ng kalibre .45 baril.

Ayon sa nakasaksi na si Billy sa panayam sa dzBB, tumagal ang pamamaril ng sampu hanggang 15 segundo dahilan upang magkanya-kanya ng tago ang mga mamimili.

“Naipit kami sa bookstore, akala namin nabasag. Nagtakbuhan ang tao kasi akala namin na-hostage kami,” ayon kay Billy.

Narekober naman ng pulisya ang ginamit na get-away vehicle ng mga suspek sa Phase 3, Brgy. San Roque sa Marikina.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply