2 senador bibigyan ni PNoy ng posisyon sa gabinete

BALAK ni Pangulong Benigno Aquino III na bigyan ng posisyon sa pamahalaan ang dalawang senador na nakatakdang magreretiro sa 2013.

Hindi man tinukoy ng Pangulong Aquino kung sino, malakas ang bulung-bulungan na sina Sen. Panfilo Lacson at Sen. Kiko Pangilinan, kapwa kaalyado ng Pangulo, ang napipisil ni Aquino na ibilang sa hanay ng kanyang gabinete.

“Makikipag-usap tayo. Kung meron silang advocacy sa palagay nilang mapapaglingkuran sa pagkakabilang sa Ehekutibo, open po tayo sa kanila,” anito sabay sabing “Kung magkasundo — well, number one, siyempre wala naman tayong iku-coerce to accept any position.”

Ang dalawang senador ay kabilang sa mga bomoto sa conviction si dating Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Nauna nang sinasabi na ilalagay ng Pangulo si Lacson sa DILG kapalit ni Sec. Jesse Robredo na bibigyan umano ng bagong posisyon.

Si Pangilinan naman ay posibleng ilagay sa Department of Agriculture (DA) o Department of Justice (DoJ) sakaling matuloy ang pagtakbo ni Justice Sec. Leila de Lima bilang senador.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply