2 sugatan sa pagguho ng lupa sa Antipolo City

SUGATAN ang dalawang lalaki makaraang gumuho ang bahagi ng lupa sa Cabrera Road, Barangay San Roque sa Antipolo City, dahil sa patuloy na pag-ulan kaninang madaling araw.

Isinugod sa Unciano Medical Center sina Francisco Gutierrez at Cesar Bravo. Namaga ang paa at nagtamo ng sugat sa noo si Gutierrez habang nasugatan naman sa paa si Bravo.

Batay sa ulat ng Antipolo City Risk Reduction and Management Council, natabunan ng gumuhong lupa ang bahay nina Gutierrez, isa pang bahay ng kanyang kamag-anak at tindahan ng isang Alberto Maydo.

Nabatid na bumigay ang bagong kagagwang riprap ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaninang madaling-araw.

Agad namang pinalikas ang mga apektadong pamilya na ngayon ay nasa relocation area.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply