2 sundalo natagpuang patay sa sementeryo

TADTAD ng tama ng bala ng baril nang matagpuan ang bangkay ng dalawang sundalo sa isang sementeryo sa Jolo, Sulu.

Kinilala ang mga biktima na sina Cpl. Dennis Sanchez at Cpl. Musa, kapwa nakatalaga sa Marine Battalion Landing Team (MBLT-11).

Sa ulat ng Naval Forces Western Mindanao,  Huwebes nang umalis sa kampo ang dalawang biktima para dumalo sa isang meeting subalit hindi na bumalik pa hanggang sa makitang patay na sa sementeryo.

Inaalam na ng awtoridad kung anong grupo ang may kagagawan sa karumal-dumal na pagpatay sa dalawang sundalo.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply