2 tanod binaril ng ininsultong sekyu

KRITIKAL ang dalawang barangay tanod matapos na barilin ng security guard na nairita sa mga ito nang kantiyawan nila habang kumakanta sa loob ng isang videoke bar kagabi sa Pasig City.

Tinamaan ng bala sa batok at likurang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Victoriano Naguit, 5-anyos at Jose Rizal Cruz, 53, kapwa tanod sa Brgy. Santolan.

Agad namang naaresto ang suspek na si Jicky Olino, 24, residente ng #1866 Molave St., Pleasant View  Subd., Brgy. Bagbaguin, Caloocan City.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng gabi sa isang videoke bar sa Amang Rodriguez Ave.,  Brgy. Santolan, Pasig City.

Umiinom at kumakanta umano ang suspek nang kantiyawan ng iba pang mga lalaki na nag-iinuman naman sa kabilang lamesa. Dito na nagkaroon ng rambulan nang pumalag ang suspek.

Diumano, ang dalawang biktima ay nagtangka lang umawat sa kaguluhan ngunit sila ang pinagbalingan ng ngitngit ng suspek at binaril.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply