2 tinodas sa tapat ng barbershop sa Kyusi

DALAWA ang patay makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin sa tapat ng isang barbershop sa Quezon City kahapon ng hapon Hunyo 1, 2012.

Kinilala ang biktima na si Ramon Caringal, 53, tricycle driver ng 32 Kasunduan St.,Brgy. Commonwealth, QC at isang hindi nakikilalang biktima na 25 hanggang 30 anyos,5’0 ang taas at nakasuot ng kulay blue at yellow short pants.

Ayon kay SPO1 Elden Lasam ng Quezon City Police District station 6 Batasan, naganap ang insidente dakong 3:30 ng hapon kahapon sa Kasunduan St., Commonwealth, QC.

Sinabi sa ulat na nakaupo sa tapat ng naturang barbershop ang biktimang si Caringal ng biglang dumating ang hindi nakikilalang suspek na armado ng baril at agad na pinagbabaril ang una.

Kahit may tama na tinangka pa ng biktimang si Caringal na makatakbo subalit sinundan pa rin siya ng suspek at pinagbabaril.

Tinamaan naman ng ligaw na bala ang isang hindi nakikilalang biktima na ikinasawi nito matapos ang pamamaril.

Tumakas ang suspek patungo sa isang iskinita saka sumakay sa isang nakaparadang motorsiklo.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng pamamaril na ikinasawi ng dalawa katao.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply