2 van nagsalpukan: Paslit patay, 10 sugatan

NAMATAY ang isang bata habang sugatan naman ang 10 katao makaraang magsalpukan ang dalawang van sa national highway ng Barangay Llavac sa Real, Quezon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, mabilis at pagewang-gewang ang takbo ng isang Isuzu elf van na minamaneho ng isang Eric Martin, taga Pasig City.

Papunta ng Real town proper si Martin kasama ang pahinante nito nang agawin ang kabilang lane ng highway kung kaya sumalpok ito sa isang Suzuki van (LNV 481) na minamaneho ni Arvin Chan.

Binawian ng bahay si Kimberly Insura, 10, habang ginagamot sa Claro M. Recto Hospital sa Infanta  habang malubhang nasugatan si Chan, tatlong pasahero niya at apat na iba pa.

Nagtamo rin ng minor injuries si Martin at ang pahinante nito habang isinugod ang mga biktima sa ospital.

Nasa kustodiya na ng Quezon Police si Martin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply