20 sako ng ipinuslit na seaweeds nasabat ng PCG

AABOT sa 20 sako ng mga seaweed ang nakumpiska ng Philippine Coast Guard (PCG) sa iligal na cargo sa daungan ng Palawan.

Nakatanggap umano ng intelligence report si PO3 Ferdinand Allan Leogo, ng PNP Maritime Coron na may isinakay umanong seaweeds sa M/V D’ Asean Journey.

Dahil dito, agad na kumilos ang personnel ng Coast Guard Coron kasama ang PNP Maritime Group para magsagawa ng cargo inspection sa nasabing barko sa harap ng skipper na si Capt. Reynaldo Abrina.

Bukod sa seaweeds, nakakuha din ng mga black corals sa sako.

Nabatid na isktriktong ipinagbabawal ang pagkuha ng seaweeds at corals.

Sa inisyal na imbestigasyon, isang Crizaldy Lagaran ng Coron, Palawan ang shipper at naka-consigned sa isang Walimer Mahilum ng Manila.

Samantala, nasa kustodiya na ng PNP Maritime Coron Palawan ang mga nakumpiskang seaweeds at black corals para sa kaukulang aksyon at disposisyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply