2012 US trafficking report ilalabas bukas

NAKATAKDANG ilabas bukas (Miyerkules) ng pamahalaang Estados Unidos ang taunang ulat nito kaugnay sa ginagawang hakbang ng 186 bansa hinggil sa paglaban sa human trafficking.

Umaasa naman si Vice President Jejomar Binay na mapapanatili ng Pilipinas ang ranggo nito sa Tier 2 ng 2012 US Trafficking in Persons (TIP) report, bunsod na rin ng mga ginagawang hakbangin ng pamahalaan upang masawata ang paglaganap ng pagpupuslit ng mga mamamayan sa ibang bansa.

Sakaling manatili ang Pilipinas sa ranggong Tier 2, mangangahulugan ito na bagama;t hindi pa lubos ang pagpapatupad ng pamahalaan sa probisyon ng US Trafficking Victoms Protection Act, gumagawa naman ng mga pamamaraan upang mapigil ang paglaganap ng human trafficking sa bansa.

Ayon sa kalatas na ipinalabas ng US State Department ngayon, ihahayag ni Secretary Hillary Clinton ang taunang ulat ng 186 na bansa at teritoryo sa harap ng mga mamamahayag sa Estados Unidos bandang alas-4:00 ng hapon (oras sa Amerika) sa Hunyo 19.

Bibigyan din ng parangal ni Clinton ang 2012 TIP heroes, mga personalidad na nagpunyagi upang labanan sa pandaigdigang arena ang makabagong pang-aalipin sa taumbayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply