2016 Int’l Eucharistic Congress idadaos Pinas

ANG Pilipinas ang napili ng Simbahang Katoliko para pagdausan ng susunod na International Eucharistic Congress sa taong 2016.

Mismong si Pope Benedict XVI ang nag-anunsiyo ng magandang balita nitong Linggo sa harapan ng libu-libong pilgrims na dumalo sa closing Mass ng pagtitipon ngayong taon na ginanap sa Croke Park stadium sa Dublin, Ireland.

Ayon sa Santo Papa, ang susunod na festival of faith and prayer ay idaraos sa Cebu City sa taong 2016.

“To the people of the Philippines I send warm greetings and an assurance of my closeness in prayer during the period of preparation for this great ecclesiastical gathering,” mensahe pa ng Santo Papa.

“I am confident that it will bring lasting spiritual renewal not only to them but to all the participants from across the globe,” aniya pa.

Matapos ang papal message, binati rin ni Dublin Archbishop Diarmuid Martin ang Archdiocese of Cebu, na pinamumunuan ng pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na si Archbishop Jose Palma, matapos na mapili na maging host ng susunod na Eucharistic Congress.

“We pray that the Congress will bring the same special blessing to that city and diocese and nation as this Congress has brought to Dublin and Ireland,” mensahe pa ni Martin.

Ang International Eucharistic Congress ay isinasagawa ng Simbahang Katoliko tuwing ikaapat na taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply