21 BoC officials, employee kinasuhan sa Ombudsman

KINASUHAN na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Ombudsman ang 21 opisyal at empleyado ng Bureau of Customs (BoC).

Ito ay dahil sa kanilang pagkakasangkot sa katiwalian at paglabag sa mga panuntunang administratibo na humantong sa pagkawala ng P1.4 milyon na kita ng gobyerno mula sa buwis.

Ani NBI-NCR Supervising Agent Madrino de Jesus, kasama sa kanilang kinasuhan ay sina Filomeno Vicencio Jr., dating director ng Criminal Intelligence and Investigation Section; Fernandino Tuazon, dating hepe ng Intelligence Division; Marina Rae Galang; Atty. Floro Calixihan Jr.; Atty. Juan Tan, dating District Collector ng Port of Batangas; Atty. Leonardo Peralta, acting chief ng Assessment Division at Felix Embalsado, Ports Operations Division chief.

Maliban sa graft charges, inakusahan din ng NBI ang mga nabanggit ng falsification of public documents, false testimony at grave misconduct.

Nag-ugat ang kaso sa pagkaka-release sa 20 unit ng 20-footer container van na naka-consign sa Zoom Cargo Base Forwarders sa Intramuros, Maynila na nauna nang inireport na undervaluation, misclassification at misdeclaration in entry.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply