21M estudyante bubuhos sa mga eskwelahan bukas

BUKAS na ng umaga ang pagbubukas ng school year 2012-2013 at inaasahan na may 21.49 milyong mag-aaral sa mga pampublikong paaralan ang dadagsa sa mga paaralan sa bansa.

Kaugnay nito, muling pinaalalahanan ang mga guro sa pampublikong paaralan na iwasang sumimangot.

Ayon kay Benjo Basa ng Teachers Dignity Coalition sa kanyang pagdalo sa Balitaan sa Tinapayan ngayong tanghali, nagpalabas ng verbal order si Education Secretary Armin Luistro sa mga pampublikong guro na panatilihing laging nakangiti sa kanilang pagtuturo.

Ani Basas, dahil sa dami ng kanilang problema bilang isang pampublikonhg guro ay hindi nila maiiwasang hindi sumimangot sa buong maghapon.

Kasabay nito ay sinabi ni Basas na kanila ring ipagdarasal na laanan ng sapat na pondo ang K-12 program, karagdagang P3,000 para sa kanilang Personal Emergency Relief Allowance (PERA), pagsasabatas ng 9,000 dagdag sahod, pagsasawalang bisa ng sapilitang election duties sa mga guro, programang pabahay, karagdagang budget sa kinder program at pagwawakas sa contractualization.

Ayon pa rito, sa kabila ng inaasahang 21.49 milyong mag-aaral sa mga pampublikong paaralan ngayong pasukan, mayroon lamang 510,000 school teacher ang magtuturo sa kanila.

Samantala, iginiit naman ni Dr. Tony Lancheon, ng Department of Health (DoH), na maisama sa curriculum ng DepEd ang kaalaman kaugnay sa nutrisyon at ang paglalaan ng arawang oras para makapag-exercise ang mga estudyante para makaiwas sa mas maagang pagkakasakit ng mga bata partikular na ang obesity bukod pa sa cancer, diabetes at heart attack.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply