22,714 katao apektado, P2.28M pinsala ni ‘Dindo’

ABOT sa 22,714 katao ang naapektuhan at P2.28 milyong pinsala ang dulot bagyong Dindo, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa ulat, the sinabi ng NDRRMC na maari pang tumaas ang bilang ng mga naapektuhang indibidwal at pati na ang halaga ng danyos dahil ang nasabing bilang ay mula lamang  sa Ilocos at Bukidnon.

Sinabi rin ng NDRRMC na may 10 kalsada at tulay ang nananatiling hindi madaaan sanhi ng danyos na dulot ng bagyong Dindo.

Sa inisyal na bilang ng NDRRMC, ang naapektuhang pamilya ay aabot sa 4,836 o 22,714 katao kabilang ang  4,291 pamilya o 20,114 katao sa in Ilocos Norte; 280 pamilya o 1,275 katao sa in La Union at 265 pamilya o 1,325 katao sa Bukidnon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply