26,000 kakulangan sa classroom

KULANG na classroom, silya at libro pa rin ang mga problemang sasalubong sa mga estudyanteng papasok ngayong Lunes s, ito ang pahayag kahapon ng Department of Education (DepEd).

Anila, kulang pa rin ng 26,000 na classroom sa buong bansa kahit marami na ring nai-donate na kahoy ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa kanila.

Kulang na kulang din umano ang mga libro kaya magtitiyaga anag mga estudyante sa iilang nasa mabibigay sa kanila pansamantala.

Problema rin ang ilang eskwelahang lumubog sa baha partikular sa mga bahagi ng Caloocan, Malabon, Navotas at Caloocan (CAMANAVA) dahil sa malakas na pag-ulan.

Gayunman, siniguro ng DepEd na pipilitin nilang matugunan ang mga pangangailangang ito sa tulong ng mga pribadong sektor.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply