$26M minimum ni Pacman gamitin sa mabuti

UMAABOT sa $26 milyon ang kinita ni Kongresman Manny ‘Pacman’ Pacquiao sa laban niya kay Timothy Bradley.

Sabi nila, minimum yan at maaaring madagdagan pa.

Pero hindi lahat yan ay maibubulsa ni Pacman.

Malalaki ang mga buwis na sinisingil ni Uncle Sam at ni BIR Commissioner Kim Henares diyan.

Magpapasahod pa siya ng kanyang mga trainer, nutritionist, coach at magbabayad pa sa upa sa klab at hotel na mga pinuntahan niya at pamasahe sa eroplano.

Suwerti si Pacman kung makapagbubulsa siya ng kalahati ng kanyang kita.

Pero malaki pa rin kahit papaano ang kanyang kita.

oOo

Sa nakita nating laban niya sa huli, palaos na, tumatanda na siya.

Wala na ang kanyang mga liksi, lakas at pagkawais sa laban.

Maliban lang kung nagkamali sa taktika ang kanyang kampo.

O may milagrong naganap sa ring o sa mga huwes na humatol sa kanyang laban.

Marami kasing sindikato sa boksing na hindi mo mamamalayang pumipinsala sa iyo.

Pero sa huli, talaga naman na dumarating na ang mga oras ng paghuhukom laban kay Pacman dahil sa edad.

oOo

Kung ako si Pacman, simulan ko nang pahalagahan ang pinupuhunan ko ng buhay at kamatayan.

Sa boksing kasi, Suki, nakabaon ang iyong kalahating buhay sa sementeryo at yung isa, sa ibabaw ng lupa.

Sa Biblia, may mga gabay.

Puwede niyang ibenta ang lahat ng kanyang ari-arian at ipamigay sa iba. Pupuwede niyang itanim na parang mabuting puno upang magbunga ng 100 beses.

Puwede rin niyang itanong sa kanyang sarili ito: Noong nasa lupa ka pa, pinakain mo ba ang mga nagugutom, pinainom ang mga nauuhaw, dinamitan ang mga hubo’t hubad, etc?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply