2nd batch ng senatorial line up ng UNA, ilalabas ngayon

POSIBLENG ilalabas ngayon ng United Nationalist Alliance (UNA) ang ikalawang batch ng kanilang senatorial candidates para sa 2013 midterm elections.

Magpupulong sina Vice President Jejomar Binay, dating Pangulong Joseph Estrada, Senate President Juan Ponce Enrile at iba pang opisyal ng UNA upang buuin ang ticket nila para sa darating na 2013 eleksyon.

Itinanggi ng pamunuan ng UNA na ipinatawag ang pulong upang pag-usapan ang sulat ni Senador Koko Pimentel kay Estrada.

Sa naturang liham, sinabi ni Pimentel na hindi siya sasama sa ticket ng UNA kung ipagpipilitang isama doon si dating Senador Juan Miguel Zubiri na malinaw na  naging beneficiary ng pandaraya noong 2007
elections

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply