3 bahay ni-raid; mga armas narekober

SINALAKAY ng awtoridad ang tatlong bahay sa Fishing Village, Malita, Davao del Sur, kung saan narekober ang ilang matataas na kalibre ng armas kaninang alas-4:00 ng madaling araw.

Isa sa bahay na ni-raid ay pagmamay-ari ng isang Ghalid de la Cruz sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Carmelita Sarno Davin, Dito nakuha ang dalawang rocket propelled grenade (RPG), isang Berreta, mga bala at uniform ng MILF.

Inamin naman ni Dela Cruz na isyu ng MILF ang mga armas na nakuha mula sa kanya.

Nahaharap sa kasong illegal possession of firearmas ang nahuling si Dela Cruz.

Ang raid ay pinangunahan nina Abadia at P/Supt Alan Manibog, ang hepe ng intelligence operatives ng PNP sa lalawigan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply