3 grabe sa banggaan ng sasakyan sa Antipolo City

MALUBHANG nasugatan ang tatlo katao makaraang magbanggaan ang dalawang sasakyan sa Sumulong Highway sa Barangay Sta. Cruz, sa Antipolo City kagabi.

Nabatid na nasugatan sina Roy Balvuena, 57; Erwin Sanchez, 36; Cecilia Balvuena, 58.

Nagkaroon umano ng head on collision ang isang itim na Suzuki APV na may plakang TPQ 188 at ang isang grey Toyota Corola na may plakang WAX 375.

Wasak ang dalawang nabanggit na sasakyan at patuloy ang imbestigasyon ng pulisya ang nasabing banggaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply