3 holdaper kalaboso sa San Mateo, Rizal

KALABOSO ang tatlong holdaper makaraang maaktuhan ang pambibiktima ng mga ito sa San Mateo, Rizal.

Kinilala ang mga naaresto na sina Yonilo Tan, 24; Chris Tan, 21; at Mike Salino, 24, na pawang mga residente ng COA, Sandiganbayan at Bagong Silang, Quezon City.

Nasa aktong hinoholdap ng tatlo ang taxi driver na si Marcial Bautista sa Barangay Malanday nang matiyempuhan ng mga pulis.

Ayon sa imbestigasyon, sumakay ang mga suspek sa Quezon City at nagpahatid sa San Mateo ngunit pagdating sa Patiis Street ay tinutukan ng patalim ng isa sa mga holdaper ang driver at nagdeklara ng holdap.

Nakapiit ngayon sa detention cell sa San Mateo Police ang mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply