3 holdaper timbog sa Quezon City

TIMBOG ang tatlong holdaper makaraang mambiktima at manaksak ng mag-asawa sa panulukan ng EDSA at West Avenue sa Quezon City kagabi, Mayo 31.

Ayon sa ulat,  bumaba ng bus galing ng Nueva Ecija ang mga biktimang sina Marieta at Bonifacio Rayo sa naturang  lugar nang biglang tutukan ng patalim ng mga suspek na sina Jeff Garapa, 18; Gaby Flores, 22, at Mark Charlie, 17 at pilit na inagaw ang bracelet at bag ng mag-asawa.

Dahil dito, lumaban ang mga biktima na ikinasugat sa kanang braso ng babae.

Agad namang nakahingi ng tulong ang mga biktima sa guwardiya ng SM North Edsa na humarang sa mga suspek na sumakay pa umano ng jeep.

Narekober sa mga suspek ang dalawang balisong habang ligtas namang naihatid sa ospital ang ginang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply