3 magkakapatid na wanted, arestado sa Capiz

ARESTADO ang tatlong magkakapatid na pawang itinuturing na mga most wanted person sa lalawigan ng Capiz  makaraan nilang patayin ang kanilang bayaw na magsasaka sa Sagrada Familia, Dumarao, Capiz.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr., isinagawa ang operasyon laban sa magkakapatid na sina Rommel Bagaforo, Romeo Bagaforo at Ronilo Bagaforo na nahaharap sa kasong murder gamit ang
hindi lisensyadong baril.

Ayon kay Insp. Ness Vargas, hepe ng Dumarao police station, ang magkakapatid na Bagaforo ang itinuturong suspek sa pagpatay sa kanilang bayaw na si Francisco dela Torre, 34, sa nasabing lugar noong nakaraang Nobyembre 1, 2011.

Sinabi pa ni Vargas na naging maingat ang ginawang negosasyon ng pulisya dahil armado ng mga baril ang mga suspek ngunit hindi naman nanlaban nang inaresto.

Kasalukuyan nang nakapiit ang nasabing mga nahuling suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply