3 ‘magnanakaw’ tepok sa parak sa Bulacan

TATLONG hinihinalang magnanakaw na nakasakay sa motorsiklo ang nasawi makaraang makaengkuwentro ang mga pulis sa Longos, Bulacan kaninang madaling araw, Hunyo 23.

Ayon sa report ng dzBB, nagnakaw ng alahas at ilang mga mahahalagang gamit ang mga suspek sa isang bahay.

“They engaged our operatives and intelligence personnel in Pulilan,” ayon kay Pulilan police head Superintendent Camilo Lintao sa isang panayam sa dzBB.

Kasalukuyan pa ring bineberipika kung may mga kasamahan pa ang mga suspek na nakatakas.

Inaalam din ng pulisya kung ang nasabing krimen ay may kaugnayan din sa naganap na pagnanakaw na naiulat bago ang insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon na nakarating kay Lintao, una nang nagkaroon ng pagnanakaw kung saan itinuturong suspek ang dalawang magkaangkas sa motorsiklo.

Nagsagawa ng  follow-up operation ang mga pulis na humantong sa engkuwentro sa mga napatay na suspek sa Brgy. Longos.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply