3 ‘manananggal’ nadakip

NADAKIP ang tatlong magnanakaw nang baklasin at nakawin ang metro ng tubig sa Caloocan City, Biyernes ng umaga, Hunyo 8.

Nakilala ang mga suspek na sina Roderick Garcia, 30 ng Longos, Malabon City; Christopher Amores, 33 at Exequiel Sanota, 32, kapwa ng Dagat-dagatan, Caloocan City.

Base sa ulat, dakong alas-3:50 ng madaling araw nang baklasin at tangayin ng mga suspek ang metro ng tubig sa bahay ni Robert David, 33 sa A. Mabini st., ng lungsod.

Nakahingi naman ng tulong ang biktima sa mga nagrorondang mga pulis na naging dahilan upang habulin at madakip ang mga suspek.

Nabawi sa mga suspek ang ninakaw na metro ng tubig.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply