3 NPA patay sa engkuwentro

DEAD on the spot ang tatlong miyembro ng New Peoples Army (NPA) matapos ang naganap na sagupaan sa pagitan ng mga  sundalo at reblde sa Sitio Datal D’lag, Barangay Kulaman, Jose Abad Santos, Davao
del Sur

Sa report na isinumite ni Lt. Col. Adolfo Espuelas, commanding officer ng 73rd Infantry Batallion, Philippine Army, sa punong himpilan ng Hukbong Katihan ay kinilala ang mga namatay sa mga alyas na “Marvin”,
“Bobong” at “Berting” na pawang mga miyembro ng Sentro de Grabidad Andoy, Guerilla Front 71 ng NPA.

Sinasabing mga team leader sina Marvin at Bobong ng Squad 1 at Squad 2 ng grupo.

Narekober ng mga sundalo ang dalawang M14 at isang M16 rifle at isa ring communication radio.

Kaagad namang na-airlift sa General Santos City ang narekober na mga bangkay.

Nabatid na nagsasaagwa ng recon patrol ang mga elemento ng Philippine Army sa nasabing area ng masabat ang mga armadong kalalakihan at agad na nauwi sa bakbakan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply