3 sugatan sa holdapan sa Maynila

TATLO ang sugatan kabilang ang isa sa dalawang holdaper sa naganap na holdapan sa Tondo, Maynila kagabi (Hunyo 19).

Ginagamot ngayon sa Metropolitan Hospital ang biktima na si Jayson Apura, graduate ng University of Santo Tomas, residente ng 3456 S. Baton St., Sta Mesa, Matnila at tanod na si Rogelio Sales, 40, dahil sa tama ng saksak sa katawan.

Mistula namang lantang gulay ang suspek na si Ryan San Pedro, 22 ng Balut Tondo, Maynila matapos kuyugin ng taumbayan habang ang kasama nitong alias Anot ay nakatakas.

Batay sa ulat ni PO3 Romeo Fajardo na isinumite kay P/Supt. Ernesto Tendero Jr., Station Commander ng Manila Police District (MPD)-Moriones Police Station 2 dakong 10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Jose Abad Santos Ave., Tondo, sakop ng Station 2.

Nauna rito, naglalakad ang biktima papunta ng Tutuban Mall para bumili sana ng regalo para kaarawan ng kanyang tatay nang lapitan siya ng mga suspek na armado ng patalim at nagdeklara ng holdap.

Gayunman tumanggi umanog ibigay ni Apura ang kanyang wallet at nanlaban ito na ikinagalit ng mga suspek kaya sinaksak ito.

Napuna naman ni Sales ang komosyon kaya tinulungan niya si Apura hanggang sa saksakin siya ng mga suspek.

Sa puntong ito, sumaklolo rin ang taumbayan na nakasaksi sa komosyon at pinagbubugbog si San Pedro gayunman, nakapuga ang kasama nitong si alias Anot.

Ayon kay Fajardo, labas-masok na sa kulungan si San Pedro na kilalang talamak na holdaper subalit nakakalaya ito matapos magpiyansa.magpiyansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply