3 tepok sa sumirkong van sa NLEX

PATAY ang tatlong magkakamag-anak habang malubhang nasugatan ang sampu pang miyembro ng pamilya nang maputukan ng gulong ang isang van at tatlong ulit na sumirko sa North Luzon Expressway NLEX sa Balagtas, Bulacan kaninang umaga (Hunyo 9).

Dead on arrival sa Sacred Heart Hospital (SHH) ang isang nagngangalang Pastora Dulfo, 65-anyos habang binawian naman ng buhay sa nasabi ring ospital sa Malolos, Bulacan ang dalawa pang biktima na sina Allen Castro, 19-anyos at Victorina Santos, 56-anyos.

Sa ulat ni Senior Police Officer 1 Romeo Silva ng Balagtas Police Station, naganap ang insidente dakong alas-6:15 ng umaga pagkalagpas lamang ng Bocaue tollgate sa loob ng NLEX.

Bago ito, lulan sa isang Toyota Hi-Ace Grandia ang magkakamag-anak na biktima at nagmula sa isang despedida party ng isa ring kamag-anak sa Meycauyan, Bulacan.

Pauwi na ang mga biktima sa bayan ng Paombong kasama ang driver na si Joel Tobias nang biglang maputukan ng kaliwang huling gulong.Dahil dito, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho si Tobias kaya sumalpok ang van sa concrete barrier bago tatlong ulit na bumaligtad sa kalsada.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply