3 todas sa diarrhea sa Virac, Catanduanes

TATLO na ang naiulat na namatay habang 18 pa ang ginagamot sa ospital dahil sa diarrhea sa Virac, Catanduanes.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa edad isa, anim at 59-anyos ang mga biktima na pawang mga lalaki na hindi napangalanan. Napag-alamang taga-Barangay Dugi at Barangay Santo Domingo sa Virac, ng lalawigan ang mga biktima.

Ginagamot naman sa Eastern Bicol Medical Center ang 18 pang nadale ng sakit.

Nabatid na maraming tubig ang pinag-ugatan ng nasabing sakit sa lugar.

Pinuntahan na Department of Health (DOH) at Office of Civil Defense ang mga apektadong lugar upang ayudahan ang mga residente at maiwasan na dumami pa ang kaso ng nasabing sakit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply