30 araw gun ban sa ARMM, inirekomenda

IREREKOMENDA ng Department of Interior and Local Government  sa Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng 30 araw na region-wide “gun ban” sa  Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), kabilang ang limang karatig probinsiya at lungsod upang masiguro ang maayos at katahimikan sa pagpaparehistro ng mga botante mula July 9  hanggang  July 18, 2012.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jesse M. Robredo nais nilang maipatupad ang gun ban ng 10 araw bago at 10 araw matapos ang registration period pati na ang suspensiyon ng lahat ng  Permits to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFORs) na inisyu ng PNP sa mga sibilyan at iba pang tauhan ng gobyerno.

Kabilang sa tatamaan ng gun ban ang non-ARMM cities na kinabibilangan ng Cotabato City sa Maguindanao, Isabela City sa Basilan, Zamboanga City at Iligan City at buong lalawigan ng Sultan Kudarat.

Layunin nito, ani Robrodo, na mapigilan ang mga private armed groups at political warlords na magamit ang mga lugar para sa paglulunsad ng mga kaguluhan lalo na sa panahon ng registration period.

Ani Robredo kasama, aniya, sa gun ban ang lahat ng pulitiko sa rehiyon kabilang ang incumbent governors at mayors bagamat iyon, aniyang, may mga banta sa buhay ay bibigyan ng tig-dalawang security escorts  na magmumula sa Philippine National Police habang nasa gun ban period.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply