30 dinampot sa saturation drive sa Maynila

DINAMPOT ng pinagsanib na puwersa ng manila Police District Station 7 at Illegal Drugs Task Force ang 30 katao sa isinagawang saturation drive sa Tondo, Maynila kagabi.

Kabilang sa mga dinampot ng awtoridad ay ang apat na miyembro ng Commando Gang, isang miyembro ng Sputnik Gang at isang miyembro ng Batang City jail.

Ang inilunsad na saturation drive ay isinagawa sa Hermosa Street na sakop ng Barangay 200 sa Tondo, Maynila kung saan bahagi ito sa kampanya ng mga awtoridad laban sa planong pagbuhay ng bentahan ng droga sa mga eskwelahan lalo na ngayong pasukan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply