30% ng school-age population sa Kyusi, di nag-aaral

NASA 30 porsieynto ng school-age population o mga kabataang nasa edad na dapat ay pumapasok sa paaralan ang hindi nakakapag-aral, ayon kay QC Vice Mayor Joy Belmonte.

Sa panayam  kay Vice Mayor Belmonte, ipinakita niya ang Socio-Economic Development Action Plan (SEDAP) ng QC para sa taong 2011-2015 kung saan nakasaad ang mga problemang kinakaharap ngayon ng siyudad at ang mga plano ng lokal na pamahalaan para matugunan ito hanggang sa taong 2015.

Batay sa datos, nasa 11,230 ng mga batang nasa edad 3-4 na taong gulang ang hindi dumadalo sa mga klase sa day care centers habang 1,882 ng mga limang taong gulang ang hindi naman nakakapasok sa kinder.

Nasa 3,028 ng mga nasa 6-11 taong gulang ang hindi naman nakakapag-aral sa elementarya at karamihan umano sa kanila ay nasa ikalawang distrito – ang pinakamalaking distrito sa siyudad na nakatakdang hatiin sa tatlo sa mga susunod na taon.

May 4,245 ng 12-15 taong gulang na kabataan ang bigo ring makapag-enrol sa mataas na paaralan o high school samantalang 64,763 ng 16-21 ang hindi naman nakakapasok sa post secondary schools tulad ng college o vocational schools.

Ang 30% out-of-school youths ay binubuo ng 24% na naghahanap na o nakahanap na ng trabaho; 17% na nag-asawa o nagkaanak ng maaga; 16% na namamahalan sa gastusin sa pag-aaral; at 14% na nakatapos na ng pag-aaral.

Sa 70% namang nakakapag-aral na mga kabataan, 170,518 mag-aaral sa elementarya at 93,136 estudyante sa high school ang nagsisiksikan sa 2,437 silid-aralan sa ikalawang distrito.

Nagbalangkas naman ng serye ng mga programa ang pamahalaang lungsod para matugunan ang mga problemang ito gaya ng pagpapatayo ng mga karagdagang day care centers at paglalaan ng iba pang makabagong pamamaraan sa pagbibigay ng day care services tulad ng mobile day care centers at home-based day care centers; pagpapabuti ng mga paaralan sa elementarya at high school; pagpapalakas sa Alternative Learning System (ALS); at pagbibigay ng scholarship grants sa kolehiyo.

NASA 30 porsieynto ng school-age population o mga kabataang nasa edad na dapat ay pumapasok sa paaralan ang hindi nakakapag-aral, ayon sa datos na iprinisinta ni QC Vice Mayor Joy Belmonte.

Sa panayam  kay Vice Mayor Belmonte, ipinakita niya ang Socio-Economic Development Action Plan (SEDAP) ng QC para sa taong 2011-2015 kung saan nakasaad ang mga problemang kinakaharap ngayon ng siyudad at ang mga plano ng lokal na pamahalaan para matugunan ito hanggang sa taong 2015.

Batay sa datos, nasa 11,230 ng mga batang nasa edad 3-4 na taong gulang ang hindi dumadalo sa mga klase sa day care centers habang 1,882 ng mga limang taong gulang ang hindi naman nakakapasok sa kinder.

Nasa 3,028 ng mga nasa 6-11 taong gulang ang hindi naman nakakapag-aral sa elementarya at karamihan umano sa kanila ay nasa ikalawang distrito – ang pinakamalaking distrito sa siyudad na nakatakdang hatiin sa tatlo sa mga susunod na taon.

May 4,245 ng 12-15 taong gulang na kabataan ang bigo ring makapag-enrol sa mataas na paaralan o high school samantalang 64,763 ng 16-21 ang hindi naman nakakapasok sa post secondary schools tulad ng college o vocational schools.

Ang 30% out-of-school youths ay binubuo ng 24% na naghahanap na o nakahanap na ng trabaho; 17% na nag-asawa o nagkaanak ng maaga; 16% na namamahalan sa gastusin sa pag-aaral; at 14% na nakatapos na ng pag-aaral.

Sa 70% namang nakakapag-aral na mga kabataan, 170,518 mag-aaral sa elementarya at 93,136 estudyante sa high school ang nagsisiksikan sa 2,437 silid-aralan sa ikalawang distrito.

Nagbalangkas naman ng serye ng mga programa ang pamahalaang lungsod para matugunan ang mga problemang ito gaya ng pagpapatayo ng mga karagdagang day care centers at paglalaan ng iba pang makabagong pamamaraan sa pagbibigay ng day care services tulad ng mobile day care centers at home-based day care centers; pagpapabuti ng mga paaralan sa elementarya at high school; pagpapalakas sa Alternative Learning System (ALS); at pagbibigay ng scholarship grants sa kolehiyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply