300 pasahero istranded kay ‘Ambo’ sa Albay at Catanduanes

ISTRANDED ang tinatayang nasa 300 pasahero sa mga pantalan sa Albay at Catanduanes dahil sa bagyong “Ambo.”

Ayon sa ulat ng Albay Coast Guard, nasa 280 pasahero ang istranded sa Albay kaninang alas-otso ng umaga matapos na pigilang buniyahe ang anim na trak, apat na kotse, dalawang bus at tatlong sasakyang pandagat.

Sa Catanduanes, 50 pasahero ang naistranded gayundin ang apat na sasakyang pandagat.

Sa ngayon, nasa storm signal number 1 pa rin ang Catanduanes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply