30 nawawala sa Catanduanes dahil kay ‘Ambo’

MAY 30 tripulante ng isang fishing vessel ang iniulat na nawawala sa karagatang sakop ng Baras sa Catanduanes sa paghagupit ng bagyong Ambo.

Bukod dito, isang binatilyong mangingisda ang pinaghahanap sa lalawigan ng Romblon ayon sa Office of Civil Defense.

Nabatid na hindi na nagawang makabalik pa sa bayan ng Bato sa nasabi ring lalawigan ang nasabing fishing vessel na umalis noon pang nakaraang Martes.

Ayon kay Bernardo Alejandro, OCD regional director at Regional Disaster Risk Reduction and Management Council chairperson, possible umanong nasiraan o naubusan ng gasolina ang sasakyang pangisda at nagpalutang-lutang ito habang nasa kasagsagan ng pagbuhos ng ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply