3rd semis slot sasakmalin ng Tigers

PAKAY ng Powerade Tigers na makuha ang ikatlong semifinals slot sa pakikipagtunggalian sa Air21 Express bukas ng gabi (Hunyo 22) sa pagpapatuloy ng Philippine Basketball Association (PBA) Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nakaiskedyul ang pakikipagharap ng Tigers sa Express ng alas-7:30 ng gabi at magsisimula ang sagupaan ng Barangay Ginebra Kings at Alaska Aces sa first game ng alas-5:30 ng hapon.

Hawak sa kasalukuyan ng Powerade ang 4-2 rekord at  gusto nilang makasalo ang Rain or Shine Elasto Painters (6-1) at B-Meg Llamados (5-2) na una nang kumopo ng dalawang unang puwesto sa semifinals.

Makaraan ang eliminasyon, anim na koponan ang aabante sa semis kung saan maglalaban-laban ito sa isang round-robin format. Ang mangungunang dalawang koponan sa semis ang siyang uusad sa best-of-seven championship series.

Nakasakay sa apat na sunod na panalo ang Powerade kabilang na ang 86-83 pananaig laban sa Barangay Ginebra sa kanilang huling laro.

Si Gary David ang matikas na aasahan ng Tigers na siyang tunay na nagdadala sa team sa mga huling panalo. Makakatuwang ang import na si Omar Sneed.

Kabalintunaan sa sitwasyon ng Express na lumasap ng apat na sunod na kabiguan sa kanilang anim na asignatura.

Nakalasap ng 77-106 pagyuko ang Express laban sa Meralco Bolts kagabi upang tuluyang lumabo ang tsansang makahirit ng puwesto sa susunod na yugto.

Hindi naging sapat bagamat pumukol si Zach Graham ng 36 puntos, para malugmok ang Express sa 1-5 rekord.

Tiyak na babawi ang Air21 sa pagkakataong ito ngunit kinakailangan ni Graham ng malakas na suporta mula kina Renren Ritualo, Mark Isip at Ogie Menor.

Sa iba pang resulta, namayani ang Talk ‘N Text Tropang Texters laban sa Barako Bull Energy, 109-89, sa pangunguna ni Larry Fonacier na nagpakawala ng 20 puntos. Ang Tropang Texters ay umangat sa 3-3 baraha.

Games Tomorrow (Smart Araneta Coliseum)

5:15 p.m. – Alaska vs. Ginebra
7:30 p.m. – Powerade vs. Air21

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply