4 kalalakihan patay sa barilan sa Baseco

NAMATAY noon din ang apat na lalaki na pawang armado ng baril, matapos umanong makipagbarilan sa mga tauhan ng Manila Police District – City Hall Action Public Assistance (CHAPA)  kahapon ng tanghali sa Baseco Compound Port Area, Manila.

Tikom ang bibig ng mga residente sa pagkakakilanlan sa apat na suspek na inilalarawan sa edad na 40 hanggang 45 anyos; ang isa’y nakasuot ng kulay dilaw na t-shirt na may kulay puti sa ibabaw at naka short pants ng cammouflage nasa 5’5 hanggang 5’6 ang taas; ang isa naman  ay nakasuot ng kulay asul na t-shirt nasa 5’ 6 ang taas at naka short pants na kupas; at ang isa naman ay may taas na 5’5 hanggang 5’6; naka suot ng kulay berdeng t-shirt, may 5’7 ang taas at naka maong na shortpants at ang huli’y naka suot ng kulay puting sando at maong na shortpants ,habang nasa tabi ng mga ito ang mga baril na dalawang 22 na kalibreng paltik, at dalawang .38 na baril.

Kinilala ang dalawa sa  apat na napatay sa engkuwentro na sina William Olibari, 28 at Henry Ursal, 27 anyos pawang residente ng Baseco Compound, Port Area.

Batay sa ulat na isinumiti kay P/SR.insp. Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Unit, dakong 11:25 ng tanghali nang maganap ang nasabing engkuwentro sa Blk. 1 Aplaya , Baseco Compound sakop ng Brgy. 649 Zone 68 sa Port Area.

Nabatid sa report ni P/Sr.Insp. Rolando Lorenzo Jr., hepe ng MPD – CHAPA, nakatanggap siya ng tawag na di-umano’y may mga kalalakihan sa nasabing lugar na pawang armado ng baril.

Agad na nagresponde si Sr.Insp. Lorenzo, kasama ang kanyang ilang tauhan, at isa isa nilang tinungo ang grupo ng nag-uumpukang grupo.

Ilang sandali pa lamang natanaw na nila ang apat na hinihinalang grupo at nang tangkaing sitahin ang mga ito, dito na nakipagpalitan ng putok, hanggang sa tanghaling bangkay ang mga ito.

Lumitaw sa ulat na isa sa napatay na lalaki ay isinasangkot sa pagpatay kay PO1 Ayong, tauhan ng MPD-Ermita Police Station 5 na naka assign sa Baseco.

Ang mga bangkay ng nasawi ay dinala sa Cruz Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya at sa kanilang pagkakakilanlan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply